Wednesday, September 26, 2012

Talumpati para sa magulang. :D

Bawat isa sa atin ay mayroong pinahahalagahan sa buhay. Kagaya ng kaibigang handang tumulong kung ika’y nangangailangan, kapatid na parating nandyan para ika’ y protektahan, at isang magulang na walang ibang inisip kundi ang iyong kapakanan. Ngayon, ikinagagalak kong ipakikila sa inyo ang mga taong may malaking ginampanan sa aking buhay. Ang mga taong naghirap simula ng akoy ipinagbuntis, hanggang sa ako’y iniluwal at pinalaki. Sila ay wala ng iba kundi ang aking mga magulang . Sila ay mahalaga dahil unang-una, wala ako kung wala sila. Hindi ako magiging ganito ngayon kung wala sila. Sila ang unang nagturo sa akin sa mga bagay-bagay, mula sa simpleng bagay kagaya ng pagtayo at paglakad hanggang sa komplikado, isa na rito kung paano lutasin at malampasan ang problema. Pangalawa, dahil iniintindi nila ako. Minsan talaga, may nagawa akong di kanais-nais katulad ng di pagrespeto bagkus, pinapatawad parin nila ako at tapos pinagsabihan upang maiwasan. Pangatlo, dahil lagi silang nariyan sa oras na kailangan ko sila o kahit na hindi naman. Isang konkretong patunay nito ng nagsimula akong mag-aral ng kolehiyo dito sa Davao, nang hinatid nila kinabukasan ang bagay na lubos kung kailangan para sa aming presentasyon. Pang-apat at huli, dahil binigay na nila lahat sa akin, hindi lamang yung mga pisikal na bagay kundi yung lubos na mas kinakailangan ng isang anak, ang pag-aaruga at pagmamahal. Minamahal nila ako ng higit pa sa kailangan ko. Napakasaya ko at nagpapasalamat dahil sila ang aking naging mga magulang. Di man ako isang perpektong anak, sinusubukan kong maging masunurin . Gagawin ko ito di lamang para sa akin, kundi dahil gusto kong makabawi sa lahat ng nagawa nila sa akin. Sa Panginoon, salamat...

-Joshua Cosare

No comments:

Post a Comment